Ipapatupad na Brigada Eskuwela ng DepEd, kasado na

Kasado na ang ipapatupad na Brigada Eskuwela ng Department Of Education (DepEd) bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa buwan ng Hunyo.

Aarangkada ang Brigada Eskuwela sa Mayo a-trenta hanggang Hunyo a-trese na inaasahang dadahulan ng mga estudyante, magulang, guro, non-government organizations, at ibat-ibang ahensya ng gobyerno.

Ayon kay DepEd Regional Information Officer Darius Nieto sa limang taong pagpapatupad ng nasabing programa ay maraming naisaayos sa mga paaralan.

Idinagdag pa ni Nieto na dahil sa kampanya ng DepEd ay naipakita ang sambayan ang pagkakaisa at pagtutulugan para sa ikaka-ayos ng mga pampublikong paaralan.

Speak Your Mind

*