Istriktong pagpapatupad ng batas trapiko, daan upang mabawasan ang aksidente sa lansangan

Malaki ang maitutulong upang mabawasan ang aksidente sa lansangankung mahigpit na maipapatupad ng batas trapiko.

Ito ayon kay Danny Martinez, Land Transportation Office o LTO Chief ng Urdaneta kaugnay sa mariing pahayag ni Incoming President Rodrigo Duterte laban sa mga nagmamaneho ng lasing.

Dagdag pa ni Martinez na kung susundin ang batas na Anti-Drug and Drunk Law o Republic Act (RA) 105-86 ay may mabigat na kaparusahan ang lalabag dito.

Sinabi pa ng LTO Official na kung istriktong maipatutupad ang nasabing batas ay makikinabang dito hindi lang ang mga motorista kundi ang mga pasahero.

Speak Your Mind

*