Jaclyn Jose, nasungkit ang best actress award sa Cannes Film Festival

Nakuha ng betiranong aktres na si Jaclyn Jose ang best actress award sa Cannes Film Festival para sa pelikulang “Ma’ Rosa” ni Direk Brillante Mendoza.

Ginampanan ni Jaclyn ang karakter bilang isang ina na napilitang magtulak at magbenta ng droga para mabuhay ang pamliya.

Dahil sa maganda niyang performance kaya niya nakuha ang naturang parangal.

Una rito, todo papuri ang international critics sa naging performance ni Jose sa pelikula.

Aminado naman ang aktres na nasurpresa at hindi niya inaasahan na siya ang itatanghal na best actress sa prestihiyosong film festival.

Speak Your Mind

*