Jake Cuenca, nasungkit ang Best Actor sa World Film Fest sa Brazil

Itinanghal na Best Actor sa World Film Festival sa Brazil ang aktor na si Jake Cuenca sa Indie Film nito na ‘Mulat’.

Sa instagram post ng aktor, binati nito ang kanyang direktor na si Diane Ventura maging ang lahat ng cast ng naturang pelikula.

Itinanghal naman sa naturang film fest ang ‘Mulat’ bilang Best Narrative Feature.

Nakatakda namang isagawa ang awarding ceremony sa Sabado May 28, sa Jw Marriott Hotel Sa Copacabana, Brazil.

Speak Your Mind

*