Jordan Clarkson, full-support parin sa pag-eensayo ng Gilas Pilipinas

Full-support ang NBA at Los Angeles Lakers player na si Jordan Clarkson sa pag-eensayo ng team Gilas Pilipinas para sa nalalapit na FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Hulyo.

Ayon kay national team Coach Tab Baldwin, malaking tulong umano sa “Morale” ng koponan ang presensya ni Clarkson.

Kaugnay nito, umaasa ang Gilas na makapaglaro ito sa koponan.

Matatandaang hindi pinayagang makapaglaro ang Filipino-American Basketball player dahil na rin sa kontrata nito sa NBA.

Samantala, ngayong araw inaasahang magiging matindi ang laro sa Do-Or-Die Game 7 sa pagitan ng Golden State Warriors at Oklahoma City Thunders Western Conference Finals.

Ang mananalo sa dalawang koponan ang haharap sa cleveland cavaliers sa nba conference finals.

Speak Your Mind

*