K To 12 Program, napapanahon na para ipatupad – CHED

2Nilinaw ng Commission on Higher Education (CHED) Region 1 na napapanahon na para ipatupad ang k to 12 program.

Ito ayon kay CHED Region 1 k+12 Program Management Unit’s Grant Coordination Officer Mel Ancheta ay dahil ang pilipinas ay isa sa tatlong bansa nalang sa buong mundo na mayroong 10 years educational system.

Sinabi pa ni Ancheta na kailangang mag-adjust ang pilipinas dahil ang lahat ng mga developing country kung saan pumupunta ang maraming pilipino ay nasa 12 year educational system na.

Kung hindi aniya ipapatupad ang k to 12 program, ang lahat ng graduates sa pilipinas ay hindi maituturing na professional sa ibang bansa dahil kulang sila sa 12 year educational system.

Maliban dito, dahil aniya sa asian integration ay hindi magiging professional competitive ang mga pinoy graduates sa international market.

Speak Your Mind

*