Kampo ni Sen. Marcos, pag-iisipan ang paghahain ng election protest

Pinag-iisipan pa ng kampo ni Sen. Ferdinand Bongbong Marcos Jr., kung maghahain ng election protest sa Presidential Electoral Tribunal (PET).

Ayon kay Atty. George Garcia, Counsel ni Sen. Marcos, hindi natatapos sa canvassing ang paghahanap nila ng boto sa nagdaang halalan.

Ito ay hindi lamang anya para sa posisyon na ninanais na pagiging Vice President ni Sen. Marcos bagkus para rin sa mahigit 14 na milyong botanteng nagtiwala kay Sen. Marcos.

Aminado naman ang kanilang kampo na magastos ang pagsasampa ng protesta sa PET kaya’t pinagiisapan pa kung magsasampa sila ng election protest.

Sa kabila nito binati naman nila ang pagkapanalo ni incoming Vice President Camarines Sur Rep. Leni Robredo.

Speak Your Mind

*