Kaso ng dengue sa Pangasinan, tumaas na sa tatlumpong porsyento

Tumaas ng tatlumpong porsyento ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan ngayong buwan ng Enero hanggang Mayo kumpara noong nakaraang taon.

Sa panayam ng sonshine radio kay Provincial Health Officer Dr. Anna de Guzman pumalo na sa 697 cases ang kaso ng dengue sa nabanggit na mga buwan ngayong taon, kumpara sa 535 na kaso parehong mga buwan noong nakaraang taon.

Nilinaw naman ni de Guzman na ang pinaka-maraming naitala na kaso ng dengue ay noong buwan ng Enero at Pebrero, habang tatlo narin rito ang naitalang nasawi.

Kabilang naman ang mga lugar sa Pangasinan sa may mataas na kaso ng dengue ay ang bayan ng asingan, San Manuel, Bayambang, Lingayen, Pozorrubio, Calasiao, Malasiqui at San Carlos City.

Speak Your Mind

*