Kaso ng HIV/AIDS sa lalawigan ng Pangasinan, tumaas ngayong taon

Nababahala na ang Provincial Heatlh Office (PHO) sa tumataas na kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) Acquired Immune Deficinecy Syndrome (AIDS) sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng sonshine radio kay Joan Paz Melendez, PHO Staff Nurse na pumalo na siyam na kaso ang naitala mula buwan ng Enero hanggang Mayo ngayong taon.

Ang HIV ay isang virus na nakukuha sa pakikipagtalik at pinapahina nito na katawan at kapag nakapitan na ng ibat-ibang impeksyon ang katawan ay magiging AIDS na hindi na kayang gamutin.

Sinabi pa ni Melendez, na maiiwasan naman na HIV/AIDS kung gagawin ang ilang mga pamamaraan gaya A.B.C.D.E o Abstain from sex, Be faithful to your partner, Consistently use condom, Do not use illegal drugs, at Educate yourself.

Sa ngayon, dumadaan na aniya sa ilang gamutan ang mga biktima ng naturang sakit.

Samantala, mayroon namang Social Hygiene Clinic ang probinsya para sa mga nais mag voluntary counseling at HIV testing ito ay sa Pangasinan Provincial Hospital, Lingayen District Hosputal, Alaminos City Health Office, San Carlos City and Reproductive Health Clinic, Dagupan City at Urdaneta City Social Hygiene Clinic.

Speak Your Mind

*