Kaso ng namamatay na ina sa pagbubuntis at panganganak, binabantayan ng PHO

Pumalo na sa labin dalawang kaso ng pagkamatay sa pagbubuntis at panganganak ang naitala ng Provincial Health Office (Pho).

Ayon kay Aurora Doria, PHO Staff Nurse na mataas ang naitalang kaso mula enero hanggang abril kumpara sa dalawamput dalawa kaso sa loob ng buong taon.

Naniniwala naman si Doria na isa sa dahilan nito ang teenange pregnancy at ang hindi regular na pagpapakonsulta ng isang buntis sa doktor.

Iginiit ni Doria na maiiwasan naman ang mga komplekasyon na posibleng mauwi sa pagkamatay sa pagbubuntis at panganganak.

 

Mahalaga rin aniya ang birth plan upang matiyak na ligtas ang ina at sanggol gaya ng saan manganganak, sinong doktor ang magpapaanak, sino ang magdadala sa kanya sa hospital at meron na ba siyang blood donors.

Speak Your Mind

*