Labing limang milyong piso, halaga ng nasunog sa dalawang establisimyento sa Zamboanga City.

Hindi naman bababa sa labing limang milyong piso ang halaga ng mga ari-ariang naabo sa naganap na sunog sa dalawang establisimyento sa Sucabon Downtown sa Zamboanga City

Ayon sa Bureau of Fire and Protection ng lungsod, nahirapan silang apulahin ang naturang sunog na katabi lamang ng kanilang estasyon.

Bukod kasi sa makapal na usok na nagmumula sa naturang building ay kina-ilangan pa nilang gumamit ng kemikal para maapula ang sunog.

Umabot naman sa general alarm ang alarma ng naturang sunog na tumagal ng higit na apat na oras.

Suwerte namang walang nasugatan sa insidente.

Speak Your Mind

*