Labing pitong estudyante, patay sa sunog sa isang school dormitory sa Thailand

Labinpitong estudyante ang nasawi matapos na masunog ang kanilang school dormitory sa Northern Thailand.

Ayon sa pulisya, nangyari ang sunog habang natutulog ang mga estudyante na karamihan ay mga babae na nasa edad lima hanggang trese anyos.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa pinagmulan ng apoy.

Samantala, sugatan naman ang nasa labing pitong katao sa naganap na banggaan sa pagitan ng tourist bus at train sa Interlaken, Switzerland.

Ayon sa imbestigasyon ng Swiss Capital Police, naganap ang insidente sa isang railway crossing malapit sa interlaken.

Pawang nagtamo ng minor injury ang mga naturang pasahero ng bus.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.

Speak Your Mind

*