Lakbay aral, instrumento umano para matuto ang mga barangay officials ayon sa DILG

Aminado ang Department of Interior and Local Government unit (DILG) Dagupan na minsa’y nagagamit sa pamamasyal at paggastos sa public fund ang Lakbay Aral.

Ito ang inihayag ni Derick Dawis, DILG Officer ng Dagupan sa panayam ng Sonshine Radio kaugnay sa planong ipagbawal ni Presumptive President Rodrigo Duterte ang Lakbay Aral sa mga barangay official.

Ngunit ayon kay Dawis, ang lakbay aral ay magandang instrumento para matuto ang mga barangay officials sa mga best practices ng ibang LGU’s na maaari nilang ipatupad sa kanilang lugar.

Idinagdag pa ni Dawis na tinutulungan pa ng DILG ang mga barangay na maghanap ng mga lugar na maaari nilang puntahan kung saan sila may matutunan.

Ang tinig ni Derick Dawis, DILG Officer ng Dagupan City sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*