Leptospirosis, kasama sa mahigpit na binabantayan ngayong tag-ulan ng PHO

Kasama sa mahigpit na binabantay ng Provincial Health Office o PHO ang sakit na leptospirosis na kalimitang nakukuha sa panahon ng tag-ulan.

Sinabi ni Dr. Anna de Guzman, Provincial Director ng PHO sa panayam ng sonshine radio na kabilang sa kanilang binabantay ang mga low lying area na may mataas na kaso ng leptospirosis.

Ayon pa kay de Guzman, nakapagtala na ng labin dalawang (12) kaso ng leptospirosis mula Enero hanggang Mayo bente tres, kung saan noong nakaraan taon labin lima (25) kaso ang naitala.

Bahagya aniyang bumaba sa dalawampung porsyento sa kaso ng leptospirosis ngayong taon.

Samantala, patuloy naman binabantay ng PHO ang mga lugar na may mataas na kaso ng naturang sakit kabilang na ang bayan ng Aguilar, Alaminos City, Bani, Bayambang, Manaoag, San Jacinto, at San Nicolas.

Speak Your Mind

*