Liberal Party, ipinatawag ang kanilang mga miyembro para sa loyalty check

Magsasagawa umano ng pagpupulong ngayong araw ang Liberal Party.

Ito’y  kasunod na rin ng ulat na may walumpu sa kanilang miyembro ang lumipat sa kampo ni Incoming President Rodrigo Duterte.

Agenda umano ng nasabing pagpupulong na alamin kung nais pang manatili ng mga lp members sa kanilang partido.

Ayon kay LP Campaign Spokesman Miro Quimbo, sa naturang pulong din isasapinal ng LP ang kanilang strategy sa 17th Congress.

Speak Your Mind

*