Liberal Party, wala pang desisyon kung makikipag-koalisyon sa ibang partido

Wala pa umanong desisyon ang Liberal Party kung makikipag-koalisyon ito sa ibang partido ngayong 17th Congress.

Ayon kay LP Chairman for Political Affairs Congressman Edgar Erice, hindi pa nagkakaroon ng pagpupulong ang LP kaya wala pa silang desisyon bilang partido.

Hindi naman nakikita ni Erice na makikipag-koalisyon ang LP lalo na kung hindi ito nakabatay sa mga polisiya ng kanilang partido.

Hindi naman masabi ni Erice kung ilan at sinu-sino na sa mga miyembro ng LP ang lumipat na sa mayorya.

Speak Your Mind

*