Mahigit walumpung menor de edad, pinagdadampot matapos lumabag sa curfew

Pinagdadampot ng mga tauhan Philippine National Police ang hindi bababa sa walumpung menor-de-edad dahil sa paglabag sa curfew.

Sa lungsod ng Quezon, dalawampu’t isang menor de edad ang hinuli ng pulisya habang animnapu naman ang arestado sa mandaluyong.

Sa Taguig, pitong menor de edad din ang dinala sa presinto dahil sa curfew.

Pinatawag naman ang lahat ng magulang ng mga nahuling menor de edad.

Maaaring isailalim ang mga ito sa community service dahil sa pagpapabaya sa kanilang mga menor de edad na anak.

Speak Your Mind

*