Malagong ekonomiya ng Pilipinas, ibinida ng administrasyong Aquino

Iginiit ng administrasyong Aquino na makikinabang ang susunod na administrasyon sa magandang ekonomiya ng bansa na maituturing na Fastest Economy in Asia.

Ito ay matapos na makapagtala ang Pilipinas ng 6.9 growth rate sa unang quarter ng 2016 base sa report ng Philippine Statistics Authority.

Ayon kay Budget Sec. Butch Abad, dahil sa nasabing performance nalampasan ng Pilipinas ang mga market expectation.

Nalampasan din ng bansa ang performance ng labing-isa pang bansa sa asya kabilang ang China.

Ipinakita aniya nito ang magiging matatag ng pambansang ekonomiya sa kabila ng mga pandaigdigang hamon dito.

Kumpiyansa din sila na mapapanatili ng Pilipinas ang maliksing ekonomiya at magtuloy tuloy ang daan tungo sa paglago hanggang sa kabuuan ng 2016.

Speak Your Mind

*