Malayang pangingisda sa West Philippine Sea, inapela ni Duterte sa China

Umapela na si President-Elect Rodrigo Duterte sa China na payagan ang mga mangingisdang Pilipino na malayang mangisda sa West Philippine Sea.

Ginawa ito ni Duterte ng makaharap niya si Chinese Ambassador Zhao Jianjua ilang araw matapos ang eleksyon.

Ayon kay Duterte, pasasalamatan niya ang China kung hahayaan nila ang mga pinoy fishermen na mangisda sa pinag-aagawang teritoryo.

Gayunpaman, tiniyak ni Duterte kay Jinjua na mananatili ang Pilipinas bilang kaalyado ng Western Powers gaya ng Estados Unidos.

Kaugnay nito, sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, na sa ngayon ay wala na silang natatanggap na reklamo mula sa mga mangingisdang pinoy na harassment ng China sa tuwing sila ay nangingisda sa Scarborough Shoal.

Speak Your Mind

*