Manny Pacquiao, bukas pa ring maglaro para sa Rio Olympics kung pabor sa mga Pinoy

Bukas pa rin ang kareretiro lang na si Boxing Champ Manny Pacquiao na lumaban sa 2016 Summer Olympics sa Rio De Janeiro.

Pero ayon sa boksingero, ito ay kung papayag ang sambayanang Pilipino na sumabak siya sa laban.

Matatandaang sinabi ni Pacquiao na nais niyang katawanin ang bansa sa Rio Olympics asam ang kauna-unahang Olympic Gold Medal ng bansa.

Pero ngayong kapo-proklama lang kay Pacquiao, nagdadalawang isip na ito dahil sa posible umano itong maging sagabal sa trabaho niya sa bilang senador.

Speak Your Mind

*