Manny Pinyol, itatalaga ni duterte bilang Agriculture Secretary

Sobra ang pasasalamat ni dating North Cotabato Governor Emmanuel “Manny” Pinyol sa pagtatalaga sa kaniya ni President Elect Rodrigo Duterte bilang Agriculture Secretary.

Ayon kay Pinyol, hindi niya inaasahan ang pangyayari at matagal bago nag-sink-in sa kaniya ang binigay na responsibilidad.

Inamin ni Pinyol na matagal na niyang gustong maging Agriculture Secretary.

Umaasa si Pinyol na maisakatuparan ang matagal na niyang pangarap na mag-produce ng maraming pagkain para sa mga pilipino at mabigyan ng magandang buhay ang mga magsasaka.

Tiniyak ni Pinyol na sa susunod na pangulo ng bansa ay may sapat at murang pagkain para sa mga kababayan at alisin ang korapsyon sa Department of Agriculture.

Si Pinyol ay nanungkulan bilang alkalde at gobernador sa malang cotabato.

Bago siya pumasok sa politika, ay naging sport writer, boxing analyst, boxing promoter at manager.

Speak Your Mind

*