Manpower Development Program, isusulong ng PESO sa susunod na adminstrasyong Espino

Nais isulong ng Provincial Employment Services Office (PESO) sa darating na administrasyon ni BM Amado “Pogi” Espino na paigtingin ang Manpower Development Program.

Naniniwala si PESO Manger Alex Ferrer, na dapat mas pag-ibayuhin ang Manpower Development o pagsasanay sa bawat Pangasinense para mas madali silang makahanap ng trabaho.

Sinabi pa ni Ferrer na kabilang sa isusulong ng PESO ang Basic Conversational English o ang kasanayan sa pagsasalita ng english na mga skilled worker.

Bukod dito, nais din ipatupad ng ahensya na dalhin sa ibat-ibang bayan sa buong lalawigan ng Pangasinan ang mga pagsasanay para sa mga skilled worker.

Speak Your Mind

*