Marcos, nanindigang may nangyaring dayaan noong nakarang eleksyon

Nanindigan si Senador Bongbong Marcos na may nangyaring dayaan sa nakaraang eleksyon.

Dinulog na rin ni Marcos sa senado ang umanoy kuwestiyonableng bilangan ng boto para sa vice presidential race.

Ayon kay Marcos, laganap ang dayaan lalo na ang sinasabing pagpalit ng script sa server noong gabi ng Mayo a-nuebe.

Kaugnay nito, hinamon ni Marcos ang Comelec na agad gumawa ng hakbang sa isinampa nilang reklamo.

Samantala, giniit naman ni Senador Bam Aquino na wala pang napapatunayan na pandaraya pagdating sa transparency server gaya ng akusasyon ni Marcos.

Sinabi naman ni Atty. Romulo Macalintal na dapat ng tawaging Presumptive Vice President si Representative Leni Robredo.

Dagdag pa ni Macalintal, ang ginagawang kahilingan ng kampo ni Marcos na system audit ay parang kumukuha lamang ito ng ebidensiya.

Speak Your Mind

*