Mas mabigat na daloy ng trapiko, asahan na umano sa Manaoag sa pagbubukas ng TPLEX

Asahan na umano na mas bibigat ang daloy ng trapiko sa bayan ng Manaoag, Pangasinan sa pagbubukas ng Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway o TPLEX.

Ito ang inihayag ni PCI Brendon Palisoc, Officer In Charge ng Manaoag PNP kung saan isa ang bayan ng Laoac sa dadaanan ng nasabing kalsada.

Ayon pa kay Palisoc, karagdagang volume ng mga sasakyan ang papasok sa bayan ng Manaoag na magreresulta sa traffic congestion.

Ganunpaman, tiniyak naman ng Manaoag PNP na gagawin nila ang kanilang trabaho para maisaayos ang trapiko sa bayan kasama na ang paghuli sa mga pasaway na parking boy.

Ang tinig ni PCI Brendon Palisoc, Officer In Charge ng Manaoag PNP sa panayam ng Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*