Mga bagong 2016 registration sticker, dumating na sa LTO Urdaneta

Dumating na ngayong linggo ang mga registration sticker sa Land Transportation Office o LTO District Office sa lungsod ng Urdaneta.

Dahil dito, makukuha na ang mga registration sticker na nagparehistro noong December 2015 kabilang rito ang mga 2016 stickers para sa pampasadang tricycle, utility vihecles at mga pribadong sasakyan.

Nilinaw naman ni Danny Martinez, LTO Chief ng Urdaneta na nasa LTO Regional Office pa ang mga new plates number para sa mga bagong rehistradong sasakyan.

Habang ang para naman sa mga re-placement plate number ay hinihintay ang pagdating mula sa LTO Central Office sa Metro Manila.

Speak Your Mind

*