Mga illegal fishpen sa Dagupan, binaklas ng Bantay Ilog Task Force

Pumalo na sa tatlong daan (300) illegal fishpen ang nabaklas sa kailugang sakop ng lungsod ng Dagupan simula ng ipatupad ang ordinansa noong nakaraang taon.

Ayon kay Maximo Solis, hepe ng Bantay Ilog Task Force, ang isinagawang pagbabaklas ay sa bisa ng kautusan ni Mayor Belen Fernandez.

Sapat na umano ang ibinigay ng tatlong taong palugit na makapag-operate ang mga illegal fishpen operator bago ang isinagawng pagbabaklas.

Sinabi pa ni solis na umabot sa tatlumpot siyam na illegal fishpen ang kanilang nabaklas sa ipanatupad ng demolition kahapon kung saan ang mga ito ay mula ilang barangay sa lungsod.

Inihayag naman ni Emma Molina, City Agriculture Office na simula sa susunod na linggo ay magbibigay na sila ng permit sa mga marginalize fisherman o mga fishcage operator ngunit dapat umano ito ay regulated.

Speak Your Mind

*