Mga komedyante, nag-alay ng tribute at ginaya pa si Presumptive President-Elect Rodrigo Duterte

Isang tribute naman ang ibinigay ng komedyante at host na si Michael V. kay Presumptive President-Elect Rodrigo Duterte.

Isang sketch ang ipi-nost ni Bitoy sa kanyang instagram account kung saan makikita ang larawan ni Duterte na may kasama na isang tula.

Nakapaloob naman dito ang isang mensahe para sa mga pilipinong pamumunuan niya sa loob ng anim na taon.

Hinikayat ni Michael V. ang mga pilipino na magtulungan upang makamit ang pagbabagong ninanais para sa bansa.

Aniya, kahit sino pang-pangulo ang mailuklok kung hindi naman magkakaisa ang bawat pilipino ay wala rin aniyang mangyayari.

Samantala… humakot naman ng kakatawanan ang programa noong linggo ng sunday pinasaya.

Ito ay matapos na nag-guest sa kanilang show si presumptive president-elect “Rodney Juterte” o Jose Manalo at ang nagunguna sa vice-presidential race na si “Simpleni”.

Maliban kasi sa pagiging hawig ni “juterte” kay mayor duterte ay gayang-gaya rin nito ang pananalita at galaw.

Speak Your Mind

*