MMDA, puspusan na ang paghahanda sa ikalawang Earthquake Drill

Puspusan na ang paghahanda ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA para sa ikalawang Metro Manila Earthquake Drill.

Ito ay gaganapin sa darating na Hunyo a-bente dos simula alas nuebe ng umaga.

Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, tagumpayang isinagawang Earthquake Drill noong nakaraang taon.

Kaya naman, nais ni Carlos na hamunin ang publiko na maging handa sa pagtama ng lindol sa bansa.

Sinabi ni Carlos na opurtunidad ito sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan at private rescue groups para sa kanilang mga disaster response plan.

Kasabay nito, umapela din si Carlos sa lahat ng mga motorista na makilahok dahil layon aniya nito na makasagip ng buhay sa pagtama ng “The Big One”.

Speak Your Mind

*