Mobile training program ng DTI na SME Roving Academy, aarangkada na

Aarangkada na ang mobile training program ng Department Of Trade And Industry (DTI) para tulungan ang mga negosyante na nasa Micro, Small, And Medium Enterprises (MSME)

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Natalia Dalaten, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan na ito ay sa ilalim ng SME Roving Academy.

Ayon pa kay Dalaten, ang Roving Academy ay nag-iikot sa ibat-ibang lugar upang turuan ang maliliit na negosyante na magkaroon ng karagdagang kaalaman hingil sa kanilang negosyo.

Layun umano ng programa na ma-develop ang kakayahan ng mga negosyante upang silay maging competitive sa local at international market.

Kabilang naman sa training na ibinibigay ng sme Roving Academy at seminar on pricing and costing, skills upgrading training, current good manufacturing practices, entrepreneurship seminar, packaging and labeling recording, how to participate in trade fair at business financing forum.

Speak Your Mind

*