Monitoring ng DTI sa presyo ng mga school supplies, sinimulan na

Nagsimula na ang monitoring ng Department Of Trade And Industry (DTI) sa mga school supplies na mabibili sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Marjorie Loresco, Consumer Welfare Division Chief ng DTI-Pangasinan sa panayam ng Sonshine Radio.

Batay aniya sa kanilang tala, mas mura pa ang prevailing price ng mga notebook, ballpen, lapis at papel na nabibili sa dagupan kaysa sa Suggested Retail Price (SRP) na kanilang sinusunod.

Paalala naman ng DTI sa mga mamimili na ugaliing hanapin ang brand name, label, pangalan ng manufacturer at trade mark ng produkto para masiguro ang kalidad ng binibili.

Speak Your Mind

*