MTCRB, nilinaw ang mga movie classification na kanilang binabantayan

Nilinaw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na bahagi ng kanilang trabaho na gabayan ang sambayanang pilipino sa matalinong panonood.

Sa Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas, inihayag ni MTRCB Boarb Member Jay Revertir, na ang MTRCB ang nagdedesisyon kung anong classification ng mga ipinapalabas sa telebisyon.

Ayon pa sa MTRCB, nasa ilalim ng kanilang pamamahalan ang lahat ng institusyon na nagpapalabas sa telebisyon at matiyak na ang kanilang ipinapalabas ay akma sa mga manonood.

Nabatid na sa movie classification, may Rated G o General Audience na maaring panoorin ng bata at matanda,  Rated PG o Parental Guidance na nangangailangan ng patnubay ng magulang ang mga batang nanonood, R-13 o Restricted–13 mga palabas na nasa edad labin tatlong taong gulang pataas ang maaaring manood, “R-16” o Restricted –16 at R-18 o Restricted –18 ay nangangailang ng istriktong patnubay ng magulang at ang Rated X o “X-Rated” mga panalabas na hindi pinapayagang ipalabas dahil sa bastos na palabas.

Speak Your Mind

*