Napolcom, 70 kaso na kinasasakutan ng mga pulis ang nahawakan noong 2015

Umabot sa pitumpong kaso na kinasasangkutan ng mga pulis ang hinawakan ng National Police Commission (Napolcom) Region 1 noong nakaraang taon.

Sa panayam ng sonshine radio, sinabi ni National Police Commission (Napolcom) Assistant Regional Director Atty. Edwin Mapili, ang nasabing bilang ay mula lang sa nagkaroon ng trial sa korte.

Ayon pa kay Mapili, mas madami ang mga nai-file na kaso ang tinatawag na for determination of probable cause.

Ipinaliwanag naman ng Napolcom ang mga kasong kalimitang kinakaharap ng mga pulis sa rehiyong uno ay gaya ng grave misconduct at mga operationa matter.

Speak Your Mind

*