Nararanasang fishkill, normal lang umano dahil sa pagbabago ng panahon

Normal lang ang umano ang naranasang fishkill sa bayan ng Anda, Pangasinan noong nakaraang sabado dahil sa pagpapalit ng lagay ng panahon.

Ito ayon kay Dr. Westly Rosario, hepe ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) ay dahil pagbabago sa salinity ng tubig.

Sinabi pa ni Rosario na hindi rin maganda sa mga alagang isda ang pagbabago ng panahon dahil nagbibigay ito ng stress sa mga isda.

Nilinaw naman ni Rosario na isolated cases lamang ang naitalang fishkill sa bayan ng Anda.

Speak Your Mind

*