Nasamsam na ‘flavored’ shabu, mahigpit na iniimbestigahan ng Mangaldan PNP

Mahigpit ang isinasagawang imbestigasyon ngayon ng Mangaldan Philippine National Police hinggil sa pagkakasamsam ng diumano’y flavored shabu.

Sa isinagawang drug bust operation ng kapulisan, naaresto ang isang Barry Sacayacay, 33-anyos, isang photographer, Tubong Lower Bicutan Taguig na pansamantalang naninirahan sa Rizal St. Dagupan city.

Sa ikinasang operasyon, nakuha sa pangangalaga nito ang limang sachet ng flavored shabu na kulay berde.

Ayon sa kapulisan at maging ng pdea sa Region I, ito ang unang pagkakataon na nakakita sila ng ganitong uri ng ilegal na droga.

Maliban sa diumano’y shabu ay nakumpiska rin sa nakakulong nang suspek ang limandaang pisong marked money.

Speak Your Mind

*