No loading at Unloading zone, babantayan ng POSO Dagupan sa pagbubukas ng klase

Nanandigan ang Public Order and Safety Office o POSO Dagupan na mahigpit rin nilang babantayan ang daloy ng trapiko sa lungsod kasabay ng pagbubukas ng klase sa pasukan.

Kabilang na aniya rito ang no loading at unloading zone kung saan malimit na hindi sinusunod ng mga motorista.

Ayon kay Eric Fernandez, Deputy Chief ng POSO Dagupan, ugali na ng mga driver na magbaba sa gitna ng kalsada na delikado naman para sa mga pasahero dahil takaw ito sa disgrasya.

Batay sa tala ng POSO, umaabot sa animnapu hanggang pitumpong porsyento ang naitatala ng POSO kada araw na lumalabag sa naturang batas.

Dahil dito, maaari nang pagmultahin ang mahuhuling hindi sumusunod sa No Loading at Unloading Zone, gaya ng P100 para sa unang paglabag, P300 sa ikalawa at P500 para sa ikatlong paglabag.

Speak Your Mind

*