“No Uniform Policy”, matagal na umanong ipinatutupad ng DepEd

Nilinaw ng Department of Education o DepEd Pangasinan 1 Division na matagal nang ipinatutupad ng “No Uniform Policy”.

Ito’y kaugnay sa mga pahayag ni Presumptive President Rodrigo Duterte na ipatutupad na ng kanyang adminstrasyon ang implemetasyon ng “No Uniform Policy” sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ayon kay Dr. Carmina Gutierrez ang Public Information Officer ng DepEd-Pangasinan I division, 2008 pa ipinatutupad ang No Uniform Policy, alinsunod sa DepEd order No.45 Serries of 2008.

Dagdag pa ni Guttierrez na malimit maging dahilan sa pagliban sa pagpasok ng mga estudyante ang kawalan ng uniporme, kayat inalis na ang pagpapatupad nito.

Samantala, nilinaw naman ng DepEd 1 na libreng ibinibigay sa mga mag-aaral ang kanilang school ID at walang dapat bayaran dito ang kanilang magulang.

Speak Your Mind

*