OCD Region 1, pinaghahandaan na ang inaasahang pagpasok ng La Nina

Patuloy na nakamonitor ang Office of Civil Defense (OCD) Region 1 sa pagbabago ng panahon kung saan inaasahan ang pagpasok ng La Nina sa bansa.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Mike Sabado, Public Information Officer ng OCD Region 1 sinabi nito na kabilang sa paghahanda na kanilang isinasagawa ay ang ibat-ibang pagsasanay.

Pinaigting din umano ng OCD ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan upang malaman ang kanilang gagawin sa panahon ng kalaminad gaya ng pag-baha at landslide.

Binigyang diin din ni Sabado ang kahalagahan ng paglilinis sa mga daluyan ng tubig gaya ng estero at kanal upang maiwasan ang mga pagbaha

Ang tinig ni Mike Sabado, Public Information Officer ng Office of Civil Defense Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*