Oplan Balik Eskuwela Information Action Center, ikinasa na ng DepEd Region 1

Ikinasa na ng Department Of Education (DepEd) ang Oplan Balik Eskuwela Information Action Center na magsisimula ngayong Mayo a-bente otso, bukas’ mula alas sais ng umaga hanggang alas sais ng hapon.

Ito ang inihayag ni Darius Nieto, Information Officer ng DepEd Region 1, sapanayam ng DZRD Sonshie Radio sa programang Kapihan at Balitaan.

Sinabi pa ni Nieto na lahat ng isyu at katanungan hinggil sa pagbubukas ng klase ay maaaring idulog at tumawag sa hotline na ng DepEd.

Layun umano ng Oplan Balik Eskuwela Information Action Center na malaman at mabigyang sulusyon ang problema ng mga magulang at mga estudyante.

Speak Your Mind

*