Oplan Bulabog ng PPO, apatnaput isa ang narespondihan noong eleksyon

Inihayag ng Provincial Police Office o PPO Pangasinan na matagumpay ang ipinatupad na Oplan Bulabog nitong nakaraan Election 2016.

Sinabi ni P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Officer for Operation ng PPO na ito ay dahil sa patuloy na pagbibigay inpormasyon ng publiko hinggil sa insidente ng vote buying.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi pa ni Candelario na umabot sa apatnaput isa (41) ang insidente na narespondihan ng pitong Team Bulabog sa buong lalawigan.

Napaghiwatig naman si Candelario sa mga kandidato at sa publiko na maging aral ito upang hindi na gawin sa mga susunod na eleksyon.

Wala naman aniyang naihaing kaso hinggil sa naturang insidente ngunit sa pamamagitan umano nito ay naipakita ng PNP ang kanilang mahigpit na kampanya laban sa vote buying at vote selling.

Speak Your Mind

*