Oscar Cruz, nagbabala kay Duterte na huwag kalabanin ang simbahan

Nagbabala ang isang arsobispo kay President-Elect Rodrigo Duterte na huwag subukang kalabanin ang simbahan.

Ito ang reaksyon ni archbishop emeritus Oscar Cruz matapos tawagin ni Duterte na ipokrito ang simbahang katolika.

Ayon sa arsobispo, ang simbahan ay nakatayo ng mahigit dalawang libong taon na ang nakakaraan at marami na itong pinagdaanan.

Sinabi pa ng dating CBCP President, na maaring maabo na lamang ang isang lider subalit ang simbahan ay mananatiling nakatayo.

Inamin naman ni Cruz na tama si Duterte na may kakulangan sila bilang mga obispo, subalit iba umano ang simbahan sa tao.

Kasunod ito ng pahayag ni Duterte na kinondena siya ng mga obispo bago ang halalan, subalit ngayon daw ay nanghihingi ng pabor sa gobyerno.

Kasabay nito, nanawagan ang retiradong obispo na magkaisa ang lahat para sa ikauunlad ng bansa.

Speak Your Mind

*