Pag amyenda sa Omnibus Election Code, isusulong ng Comelec

Ngayong tapos na ang halalan, isa sa mga nais pagtuunan ng pansin ng Commission on Elections ang pagsusulong ng malawakang  pag amyenda sa Omnibus Election Code.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Comelec chairman Andres Bautista, sinabi nito na panahon na para amyendahan ang naturang batas lalo’t matagal nang panahon simula ng maipatupad ito.

Bukod dito, pag-aaralan din ng Comelec kung itutuloy ang barangay election sa darating na Oktubre o kung dapat bang i-halal o i-appoint na lamang ang mga barangay captain.

Sinabi rin ni Bautista na maglulunsad sila ng Strategic Planning Conference para i-assess ang nagdaang halalan.

Speak Your Mind

*