Pag-aresto sa mga magulang ng mga nenor de edad na lalabag sa Curfew Hour, suportado ng PNP

Suportado ng Philippine National Police ang pahayag ni President-elect Rodrigo Duterte na dapat arestuhin ang mga magulang ng mga menor de edad na lalabag sa itatakdang Curfew Hours.

Sinabi ni PNP Spokesperson Chief Superintendent Wilben Mayor, responsibilidad talaga ng mga magulang ang kanilang mga anak.

Nakasaad aniya sa Juvenile Justice and Welfare Act na may pananagutan ang magulang sa anumang kasalanan sa batas ng kanilang menor de edad na anak.

Una ng sinabi ni Duterte na ipapatupad niya ang Curfew Hours sa mga menor de edad mula alas diyes ng gabi hanggang alas kuwatro ng madaling araw.

Speak Your Mind

*