PAGASA, naglabas na ng pangalan ng mga bagyo na maaaring tumama sa bansa ngayong taon

Naglabas na ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAG-ASA ng mga listahan ng mga bagyo na maaring tumama sa bansa ngayong taon.

Ito’y kaugnay sa inaasahang mararanasang La Nina o subrang volume ng tubig ulan, pagpasok ng buwan ng Hunyo at Hulyo.

Ayon kay PAGASA Chief Meteorological Officer Engr. Greg de Vera, iniba ng bahagya ng mga pangalan ng bagyo na pawang makaluma at may pangit na pangalan tulad ng bagyong Ambo, Butsoy, Lawin, Yoyoy at Enting.

Idinagdag pa ni de Vera na hindi basihan ang pambabae o lalaking pangalan sa lakas ng bagyo, bagkus masusuri ito kung saan nabuo ang bagyo.

Maliban dito, inilabas na rin ng PAGASA ang Signal Number 5 na bagyo kung saan magiging basihan dito ang lakas ng bugso ng hangin na umaabot sa 220 kilometer per hour na inaasahan sa loob ng 12 oras.

Speak Your Mind

*