Pagdami ng Spilurus Tilapia sa Dagupan, itinuturing ng salot sa pag-aalaga ng isda

Palaisipan parin sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kung saan nagmula at sino ang nagdala ng “Spilurus Tilapia” isang spices na mabilis dumami sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay BFAR-NIFTDC Chief Dr. Westly Rosario, ang spilurus tilapia ay may kakayahan na mabuhay at dumami sa 38 hanggang 40 ppt na alat ng dagat.

Una umanong nasuri ang pagkakaroon ng spilurus tilapia sa lalawigan ng Bataan, at Bulacan ngunit ngayon ay kalat narin sa lungsod ng dagupan.

Sinabi ni Rosario na itinuturing na itong banta sa pag-aalaga ng isda sa lungsod dahil sa mas mabilis itong dumami at kaagaw pa sa mga ipinapakaing feeds sa mga alagang bangus.

Speak Your Mind

*