Pagkikita umano ni Kris Aquino at Senador Trillanes, itinanggi ng aktres

Mariing itinanggi ni Kris Aquino na nagkita sila ni Senador Antonio Trillanes IV sa Hawaii.

Sa kanyang instagram account, sinabi ni Kris na puro kasinungalingan lang ang ulat na lumabas na nagkita nga sila ng senador para sa isang plano umano laban kay President-Elect Rodrigo Duterte.

Say pa ng T.V Host-Actress, wala naman siyang sinasabi laban sa susunod na pangulo ng bansa.

Binigyang diin din ni Krissy na siya ay nasa Hawaii kasama ang pamilya.

Speak Your Mind

*