Pagpili ng Chief of Police, nasa desisyon ng mga local executive – Napolcom

Ang local executive umano ang huling nagdedisisyon kung sino ang pipiling Chief of Police sa kanyang nasasakupan.

Ito ang inihayag ni Atty. Edwin Mapili, National Police Commission (NAPOLCOM) Assistant Regional Director sa panayam ng DZRD sonshine radio.

Ayon kay Mapili, ang trabaho lang ng napolcom ay tanggapin at kompermahin ang qualification ng mga nag-aaplay na police para sa nasabing posisyon.

Mula sa mga nag-aplay, pipili ng limang recomendies ang NAPOLCOM na pasado sa qualification saka ibabalik sa Provincial Police Office (PPO) para sa pagpili ng mayor na itatalanga hepe sa kanilang bayan.

Idinagdag naman ni Mapili na kalimitang nagiging problema kung bakit officer–in-charge lang ang madalas na nakatalaga sa mga police station ay dahil sa mabagal ng desisyon ng alkalde.

Speak Your Mind

*