Pagpipintura sa mga pedestrian line, bahagi sa Oplan Balik Eskwela ng DPWH

Kaisa ang Department of Public Work and Highway (DPWH) Lingayen District sa “Oplan Balik Eskwela” ng Department of Education (Deped).

Ito ang inihayag ni Engr. Rodulfo Dion, Chief Engr. District-DPWH Lingayen sa panayam ng sonshine radio.

Kabilang na aniya rito ang pagpipintura sa mga pedestrian line sa harap ng mga paaralan na magagamit ng mga estudyante sa kanilang mga pagtawid.

Nilinaw naman ni Dion na lahat ng pedestrain line sa National at Local road ay kasama sa kanilang pipinturahan.

Samantala, nagpapatuloy naman aniya ang konstruksyon ng mga school building na kanilang ginagawa sa mga paaralan bilang bahagi sa pagpapatupad ng K to 12 Program ng Deped.

Speak Your Mind

*