Pagsasara ng Commonwealth Avenue dahil sa medical mission ng INC, ikinainit ng ulo ng mga motorista

Uminit ang ulo ng mga motorista’t pasahero dahil sa mabigat na daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue mula Sandiganbayan hanggang Litex.

Isinara kasi ang bahaging ito ng kalsada dahil sa isinasagawang medical mission ng Iglesia ni Cristo kahapon.

Isinara ang nasabing bahagi ng kalsada hanggang alas dose ng hatinggabi kanina.

Maagang namang pinauwi ng korte suprema ang mga empleyado ng sandiganbayan para makaiwas sa mabigat na daloy ng trapiko.

Samantala, humingi naman ng paumanhin sa publiko ang INC matapos magdulot ng mahabang traffic jam ang kanilang medical and dental mission.

Ayon sa INC, sana daw isipin na lang ng mga tao ay nakatulong din sila matapos buksan ang programa sa lahat kahit hindi miyembro ng Iglesia ni Cristo.

Dagdag ng INC, sana daw mabalanse na lang ang inis ng mga motorista sa kaligayahan na nararamdaman ng mga kababayan na kanilang nase-sebisyuhan.

Speak Your Mind

*