Pagtugis sa 30 katao na suspek sa panggagahasa sa Brazil, patuloy

Patuloy ang ginagawang pagtugis ngayon ng mga otoridad sa nasa tatlumpung katao na suspek sa panggagahasa sa isang teenager na babae sa Rio de Janeiro, Brazil.

Ayon sa mga otoridad, apat sa mga naturang suspek ay kanilang nakilala at nagsasagawa na rin sila ng follow-up operation upang matugis ang mga ito.

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen ang ginawang krimen ng mga suspek sa biktima kung saan nagawa pang-i-upload sa social media ang sinapit ng biktima.

Ipinangako naman ni Rio de Janeiro Justice Minister Alexandre de Morais na bibigyang hustisya ang sinapit ng biktima at ikukulong ang iba pang maarestong suspek.

Speak Your Mind

*