Pakapanalo ni Jaclyn Jose, sa Cannes Film Festival ipinagtanggol ng mga hurado

Mabilis namang kinontra ng mga miyembro ng hurado ng Cannes Film Festival ang kanilang desisyon sa paghirang sa aktres na si Jaclyn Jose bilang Best Actress.

Kinukwestyon kasi ng ilang mga kritiko na mistulang supporting role lamang daw umano ang kanyang papel ni Jose sa drama film na “Ma Rosa”.

Giit ng beteranong Hollywood Actor at isa sa Jury na si Donald Sutherland, mali ang mga ito at sinabi nito na big time leading role ang ginampanan ni Jose.

Dagdag pa ni French Director na si Arnaud Desplechin, si Jaclyn ang mismong nagdala sa pelikula na nagbigay raw sa kaniya ng heartbreak.

Speak Your Mind

*